Click the photos to see their profiles

Sinong chico ang susunod na magpapaalam?

>> Thursday, November 20, 2008



by ABS-CBN for everyone



Sina Elmer, Jose, Ram, at Jommy at minalas na kailangan humarap sa napakahirap na final stunt. Sa Acrobacias En Helicoptero malalaman kung sino sa kanilang apat ang susunod na uuwing bahag ang buntot sa Pilipinas. Kailangan nilang magpatagalan ng kapit sa helicopter pilit naman silang ihuhulog sa malamig na ilog.

Nanganib na naman for the second week in a row si Doc Elmer. At mukhang duda pa ang tatlo sa Pump Squad sa kanyang kakayahan. Pero nang kumapit na sa helicopter ay nagpakitang gilas naman si Elmer at tumagal sa ere. Pero nang sagipin siya sa kanyang pagkakabagsak sa tubig ay dumaing si Elmer ng sobrang sakit sa kanyang likod. Takot ni Doc ay nabalian siya sa lakas ng pag-swing sa kanya ng helicopter.

Si Elmer na kaya ang susunod na eliminado, o siya ang tuluyan nang bubuwag sa Pump Squad? Abangan mamayang gabi.

0 comments:

  © Blogger template Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP