Stunt 3: Pagtakas Sa Kotseng Nakalubog Sa Tubig
>> Thursday, November 13, 2008
by ABS-CBN for everyone
Dito na magkakaalaman kung sino ang unang uuwi sa Pilipinas na bahag ang buntot. Dahil sila ang pinakamabagal sa Stunt 2, sina Elmer, Gail, at Marion ang maglalaban laban sa Stunt 3 na tinatawag na Escape De Auto Sub Acuatico. Uupo sila sa driver's seat ng isang kotse na unti unting lulubog sa tubig. Pagkalubog ng kotse ay kailangan nilang lumangoy papunta sa back seat para i-save ang baby doll na si Mariana. Muli ay pabilisan ang challenge na ito, at ang pinakamabagal sa kanilang tatlo ang siyang magiging unang eliminado.
Natapos na ni Marion ang stunt, pero kamusta naman ang oras niya? Matalo kaya siya nina Elmer at Gail? Abangan mamayang gabi sa Pinoy Fear Factor: Argentina, South America.
0 comments:
Post a Comment