The not so lucky Jose
>> Tuesday, December 9, 2008
Jose Sarasola was the 4th participante to be eliminated this week after defeated by Lj and Jommy on the Cuarta Ronda De Eliminacion. Still it was not the saddest day for Jose because Ryan still give him a chance to be with his co-participante since it was his birthday he was able to celebrate it in Argentina.
On the middle of the celebration, Savanah was asking Jose if she can kiss him in the lips, Because Jose was too gentleman enough he granted her wish. After the party Jose still needs to go home to the Philippines. Will this love story ends Happily ever after?
Transferiendo Cucarachas: Ang Paglipat ng Ipis; Doc Elmer nalunok ang Ipis!
>> Wednesday, December 3, 2008
Na-iwas peligro na nga etong si Manuel dahil siya ang nakakuha ng pinakamabilis na oras sa last stunt ng mga Participantes. Tinanong naman siya ni Ryan kung gusto niyang ibigay ang iwas peligro niya sa isa sa mga chicas para tanghalin o mababansagan na siyang tunay na Caballero(Maginoo),Halos napaiyak si Manuel dahil masyado siyang napressure sa kanyang magiging desisyon dahil pinaghirapan niya ang kanyang stunt at pinagsisiskapan, sa huli ay tinanggihan ni Manuel ang pagbibigay niya ng kanyang iwas-peligro sa mga chicas.
Samantala, makakaya kaya ng mga participantes ang pangalawang stunt sa Cuatro Ronda De Eliminacion na Transferiendso Cucarachas, Kinakailangan ng mga participantes na ilipat ang mga ipis sa isang kahon gamit ang kanilang mga bibig, pabilisan pa rin ang laban. Nauna nga itong si Marion dahil siya lang ang hindi Pump Squad, dahil nga si Doc Elmer ay narecruit na nila Rj,Jommy at Jose na sumali sa Pump Squad. At speaking of Doc Elmer, mukhang nababahala siya dahil may nalunok siyang ipis, anong lasa Doc? Abangan ang iba pang eksena mamaya sa Pinoy Fear Factor! Read more...
Alaskador na naging MALASkador
Wala pa ngang nakakatalo sa oras ni Manuel dahil sa sobrang bilis nitong pagtawid sa mga andamyo, samanatalang tumatawid itong mga iba pang participantes ay panay pa ang pangaalaska ni Jommy, at kumpyansang kumpyansa na matatalo niya ang oras ni Manuel para iwagayway ang bandera ng Pump Squad.Pero nung si Jommy na ang tinawag na tatawid ay parang nagaalangan na at kinkabahan dahil nga sa sobrang lakas ng hangin, sinabi niya pa na akala niya gaganda ang panahon pero minalas pa ata at lumakas ang hangin at sinabayan pa ng pangaalaska ng mga participantes, Hindi na magawang makapagbiro pa ni Jommy pagbalik sa mga kasamahan. Talagang napagod ang alaskador sa pagbalanse sa mga adamyo. Bukod pa diyan ang kahihiyan na hindi niya napatumba si Manuel na tinapos ang stunt sa loob lang ng 1.50 minute.
Si Jose na ang susunod na gagawa ng stunt at siya na lang ang nalalabing pag-asa ng Pump Squad na patumbahin si Manuel. Matapos kaya ni chef ang stunt, o magsasama-sama ang Pump Squad sa peligro? Read more...
Phem Tanggal Na! Manuel, Pinagkaisahan ng Pump Squad!
>> Monday, December 1, 2008
Si Phem na nga ang pangatlong Participante na uuwi ng Pilipinas na bahag ang buntot matapos walang nabasag si Phem na salamin sa Tercera Ronda de Eliminacion na Bicicleta Atravesando Vidrios, at tuwang tuwa naman etong si Jommy na nakabasag ng dalawang salamin habang si Jose ay nabasag ang limang salamin. Mangiyak ngiyak naman etong si Phem dahil nga uuwi na siya, pero sa kabila nito ay nagpapasalamat siya na malayo layo din ang kanyang narating, kaya para sa iyo Phem, Adios!
Samantala, pinagkaisahan naman ng Pump Squad na sina Jose, RJ, at Jommy si Manuel na unang gumawa ng unang stunt na Cuarta Ronda De Eliminacion, kailangang tawirin ng mga Participantes ang tatlong level ng andamyo ang kunin ang flag sa finish. Sa ikalawang level na tubo, pinayagan ang mga babae na tumawig nang paupo habang ang mga lalaki naman ay kailangang gumapang nang pabaliktad. Meron lamang silang 10 minuto para tapusin ang stunt, at ang pinakamabagal o mahulog ay manganganib sa susunod na stunt. Pero tinapos naman ni Manuel ito ng mahusay at mukhang mahihirapan ang Pump Squad na talunin siya, Pero bakit naman umiiyak etong si Manuel? Abangan na lang sa susunod na Episode ng Pinoy Fear Factor Argentina, South America.