Alaskador na naging MALASkador
>> Tuesday, December 2, 2008
Wala pa ngang nakakatalo sa oras ni Manuel dahil sa sobrang bilis nitong pagtawid sa mga andamyo, samanatalang tumatawid itong mga iba pang participantes ay panay pa ang pangaalaska ni Jommy, at kumpyansang kumpyansa na matatalo niya ang oras ni Manuel para iwagayway ang bandera ng Pump Squad.Pero nung si Jommy na ang tinawag na tatawid ay parang nagaalangan na at kinkabahan dahil nga sa sobrang lakas ng hangin, sinabi niya pa na akala niya gaganda ang panahon pero minalas pa ata at lumakas ang hangin at sinabayan pa ng pangaalaska ng mga participantes, Hindi na magawang makapagbiro pa ni Jommy pagbalik sa mga kasamahan. Talagang napagod ang alaskador sa pagbalanse sa mga adamyo. Bukod pa diyan ang kahihiyan na hindi niya napatumba si Manuel na tinapos ang stunt sa loob lang ng 1.50 minute.
Si Jose na ang susunod na gagawa ng stunt at siya na lang ang nalalabing pag-asa ng Pump Squad na patumbahin si Manuel. Matapos kaya ni chef ang stunt, o magsasama-sama ang Pump Squad sa peligro?
0 comments:
Post a Comment